Tuta pa lang sya ako na ang kinilala na amo nya. Isang araw nakaupo ako kumain ako ng snacks katabi sya. Kapag kumakain ako lalapit sya at didikit sa kin kaya ang ginawa ko ay disiplinahin sya thru a "REWARD SYSTEM" , bibigyan ko sya ng food kapag sumunod sya.
First training tinuruan ko sya lumabas at pumasok sa pinto mag ge gesture ka na may hawak na slipper pero hindi mo sya papaluin yung floor lang sabay turo kung papalabasin mo sya or papapasukin.
Second training tinuruan ko syang umupo "SIT" sabi ko sa kanya sabay hawak sa likod nya para umupo sya. Pero hindi pipilitin paupuin ang aso baka kagatin ka pag pinush mo ng madiin ang kamay mo para mapaupo sya, yung tama lang. Gawin mo ito repeatedly hanggang marecognize ng aso yung act na un then sa every correct action nya rewardan sya ng food. Feed your dog. Nakakatuwa din kapag nag gesture ka ng shhh... bilang "HINDI" at SIT" ay uupo na sya at mangangalabit na lang. Do it repeatedly hanggang matuto ang iyong aso pero wag na wag mo sasaktan dahil may possibility angilan ka at ANIMAL CRUELTY ang tawag dun
.
Third training tinuruan ko sya umakyat dahil maliit sya yung kaya nya matalon lang ang pinagawa ko sa kanya, sa sofa namin nag gesture ako na umakyat sya sabay turo sa sofa at tapik doon at nagets naman agad at umakyat sya.
4th training ko sa kanya yung papakainin ko na ilalagay ko muna yung food bago sya kumain since maliit sya paglumalapit na sya sa food hindi ko muna ipapakain iwa wall ko muna yung kamay ko sabay sabi "NO" then "EAT" naman pag nalagay ko na totally ang food nya at pwede na nya kainin.
Tinuturuan ko pa sya ng ibang tricks pag may time para mamemorize nya yung action. Sa totoo pwede din kayo mag set ng rules paano mapapasunod ang inyong alagang aso pero dapat nasa tama pa din.
Sabi nila ang life span ng aso na ito ay 5 years pero wag naman sana malulungkot ako kung ganon kaikli lang ang life nila. Masaya may alaga na kakawag ang buntot pag uwi mo ng bahay at hahalik sa yo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento